Paslit, na-hit and run
@Balitang Probinsiya | July 6, 2023
MISAMIS ORIENTAL -- Isang paslit ang namatay nang ma-hit and run ng isang sasakyan kamakalawa sa Bgy. 12, Cagayan de Oro City sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ang 1-taong gulang na batang lalaking nasagasaan.
Ayon sa ulat, hindi napuna ng mga magulang ng biktima na nakalabas ito ng kanilang bahay pero nang mapansing nawawala ay hinanap nila ito hanggang matagpuang patay na sa gitna ng kalsada.
Sa imbestigasyon ng pulisya ay napag-alamang biktima ng hit and run ang bata.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang sasakyang nakasagasa sa biktima upang mapanagot ang driver nito.



Comments