Pasaherong bebot, todas sa riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | December 17, 2021
QUEZON—Patay ang hindi kilalang babaeng pasahero nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Market View, Lucena City.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima.
Ayon sa ulat, lulan umano tricycle ang biktima nang parahin ito ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Nang ihinto ng tricycle driver na si Michael Bonaobra ang pinapasada niyang tricycle ay biglang binaril ng mga suspek ang pasahero nitong babae.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments