Pasahero, tinodas ng riding-in-tandem

@Balitang Probinsiya | February 5, 2021
ILOCOS SUR—Isang pasahero ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa bayan ng Bantay.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Bernardo Nunez, Jr., residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, kababa lang ni Nunez sa sinakyang tricycle nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments