Pasahero, arestado sa boga
@Balitang Probinsiya | November 24, 2021
SORSOGON—Isang lalaking pasahero ng tricycle ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril kamakalawa sa Bgy. Pampang, Sorsogon City.
Ang suspek ay nakilalang si Joseph Oplida, 34-anyos at nakatira sa Casiguran sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, napadaan sa police checkpoint ang tricycle na kinalululanan ni Oplida at nang kapkapan ang suspek ay nakumpiskahan ito ng .38 revolver at mga bala.
Nang walang maipakitang papeles sa dala niyang baril ay agad dinakip ng pulisya ang suspek.
Nakapiit na si Oplida na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments