top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Parking boy, nilikida ng armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 2, 2021



ALBAY—Isang parking boy ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Kimantong, Daraga.


Kinilala ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo na si Sherwin Marantal, 21-anyos at nakatira sa Bgy. Kidaco sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang naglalakad pauwi si Marantal ay biglang sumulpot ang suspek at binaril sa ulo ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page