top of page

Pari na gumawa ng mga iconic design sa mga simbahan sa Pinas, pumanaw na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2020
  • 1 min read

Updated: Jul 10, 2020

ni Twincle Esquierdo - @News | July 9, 2020



Pumanaw na ang isang paring arkitekto na si Fr. Alex Bautista sa edad na 50-anyos nitong Huwebes bandang alas-2 ng madaling araw habang nagpapagamot ito sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan City dahil na-diagnosed ito sa sakit na myasthenia gravis, ang neuromuscular disease na nagpapahina sa mga muscles ng katawan.

Malapit na rin sanang mag-51-anyos si Fr. Alex sa Agusto ngunit, nag-collapse ang baga nito.

Si Fr. Alex ay laking Tondo Manila at nagserbisyo sa Gerona sa Tarlac Province. Siya ang nagdisenyo ng altar sa Quirino Grandstand sa pagbisita ni Pope Francis noong 2015 at ang papal chair nito.

Siya rin diumano ang nagdisenyo ng Shrine ng San Josemaria Escriva sa Gerona para maenganyo ang mga bumibisita sa Mahal na Sakramento sa likod ng Tabernacle na mayroong glass window.

Tumulong rin siya sa pagdisenyo at pag-renovate ng iba pang simbahan tulad ng Our Lady of Piat sa Cagayan, interior of the Our Lady of Penafrancia Minor Basilica sa Naga City, sacristy of the Our Lady sa Manaoag, interior of San Sebastian Cathedral sa Maynila at ilang simbahan sa Batangas.

Naging executive secretary of the Commission din siya sa Cultural Heritage of Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at ‘di nagtagal ay naging architect consultant. Naging pinuno rin siya sa Tarlac Diocese’s Commission para sa Cultural Herritage of the church.

Ayon sa kanyang kaibigan na si Fr. Melvin Castro ng Mater Doloro ay nagnegatibo naman ito sa COVID-19 test. Ngunit malalaman pa ang ibang resulta ng COVID-19 test nito sa Hulyo 10, Biyernes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page