top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Parak, tinodas ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 04, 2021


MAGUINDANAO—Patay ang isang pulis nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Kauran, Amnpatuan.


Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si P/Cpl. Henry Olinbdo, nakatalaga sa Lumbatan Police Station sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Olindo ang kanyang motorsiklo ay dinikitan ito ng dalawang hindi kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page