top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Parak, patay sa aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 20, 2021


AKLAN--Patay ang isang pulis nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bacan, Banga.


Kinilala ang biktima na si Pat. Gerald Cesar, 26-anyos, nakatalaga sa Nabas Police Station sa nasabing lalawigan.


Batay sa imbestigasyon, hindi umano napuna ni Cesar ang ginagawang kalsada sa lugar kaya nang mapadaan dito ang minamaneho niyang motorsiklo ay sumemplang ang biktima.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page