top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Parak na rider todas sa SUV

BULGAR
Dec 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 20, 2022



ILOCOS SUR – Isang pulis na rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang SUV (Sports Utility Vehicle) ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy.

Cabalanggan, Bantay sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Pat. Shandrex Lopez, nakatalaga sa Ilocos Sur Provincial Police Office.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng SUV na minamaneho ni Bryan Camit, nasa hustong gulang kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Lopez.


Napag-alaman na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Sinampahan na ng pulisya si Camit ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page