top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Parak at 2 pa, timbog sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 27, 2023


COTABATO CITY—Tatlong drug pusher na kinabibilangan ng isang pulis ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Rosary Heights 10 sa lungsod na ito.


Ang ang mga suspek ay nakilalang sina Pat. Jassim Aking, nakatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Police Office; Sindatu Macmud at Fatima Usman ng nasabing lungsod.


Napag-alaman na nadakip ang dalawang suspek sa drug-bust operation ng mga awtoridad sa naturang barangay.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang lugar at sa ngayon ay sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page