top of page
Search
  • BULGAR

Parak, 3 pang sugarol, tiklo sa tong-its

@Balitang Probinsiya | June 29, 2021


CAPIZ—Isang pulis at tatlo pang sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagto-tong-its kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Sapian.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na may apat na lalaki nagsusugal sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang mga suspek, kabilang ang pulis na may ranggong police sargeant.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page