top of page

Paraan para makaligtas sa napakalakas na ulan at pagbaha

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 8, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 08, 2020




Pangkaraniwan na ang ulan sa bansa mula Hunyo hanggang Disyembre, pero kung minsan hindi natin inaasahan ang pananalasa na tulad ng ginawa ni Ondoy at Pepeng dito sa buong Luzon. Gayunman, may panganib na hatid ang napakalakas na ulan, lalo na kapag may kasamang malakas na hangin, kidlat at mga pagbaha.


Kung sapat sana sa kaalaman ang marami sa atin sa mga pag-iingat ay hindi darami ng gayon ang mga masasawi.

1. Isarang mabuti ang mga bintana at pintuan upang hindi pumasok ang tubig ulan habang malakas ang hampas ng hangin.


2. Manatiling tuyo at mainit ang temperatura ng katawan. Karaniwang kapag nabasa ng ulan, giginawin ka, lalagnatin, karaniwan na ang mga nalulubog nang matagal ay nagkaka-hypothermia na pangunahing dahilan ng pagkamatay ng marami kapag lumulusong sa tubig baha bukod sa pagkalunod. Balutin ang katawan sa loob ng bahay upang manatiling mainit ang pakiramdam.


3. Magkaroon ng maraming malinis na imbak na tubig kung sakaling naputol ang linya ng tubig. Dapat may isang galon na tubig na imbak para sa isang tao sa loob ng bahay kada isang araw para sa proper hydration.


4. Mag-imbak na rin ng de latang pagkain sa sandaling maubusan ng gaas.


5. Kung maaari kapag malakas ang ulan, huwag nang aalis ng bahay at huwag nang magmaneho, siguradong mai-stranded ka lang sa daan. At kapag hindi ka handa, delikado ka sa anumang mangyayari.Manatiling tuyo, mainit at magkaroon ng maraming imbak na pagkain at tubig upang maka-survive ka matapos ang ulan.


6. Huwag na huwag lulusong sa baha lalo na sa gabi, kahit na akala mo’y hanggang bukung-bukong lang ang lalim. Ang tubig baha ay maaring lumakas ang agos at magkaroon ng kakaibang pagkilos, tataas lalo ang panganib ng malakas na agos nito. Ang mga malalaking butas sa kalsada at pagguho ay puwedeng nakaamba ang panganib kung hindi ka nakahanda.


7. Linising mabuti ang dalawang jugs at hugasan sa klorox para mapaglagakan ng tubig. Punuin ng tubig. Maghanda ng mga kumot, flashlight, flare gun, vests, lubid, gloves, at first aid kid, ilagay ito sa isang ligtas na wet bag.

8. Maghanda rin ng raft o anumang sasakyang pantubig, bangka o de motor. Itupi ang raft at ilagay sa isang bundle. Isama ring itali ang portable air compressor sa raft. Magtali rin ng 2 talampakang lubid sa raft at bag kit.

Ilagak ang mga ito sa mataas na bahagi ng bahay, pulbusan ang lahat ng ito ng baby powder para ma-preserba ito. Maglagay din ng deacons sa paligid nito o maging sa ibaba nito para hindi makalapit ang anumang daga o bubuwit para hindi ito makagat at hindi mabutas.


9. Kapag mayroong baha at na-trap ka sa loob ng bahay, agad na umakyat sa kisame. Wasakin na ang anumang butas sa bubungan, kasing laki ng puwedeng daanan ng raft/bag kit. Magsuot na ng goggles kaagad.


10. Buksan na agad ang raft, magsuot na rin ng safety vests at saka punuin ng hangin ang raft. Manatili sa bubungan hanggang sa dumating ang tutulong.


11. Kung kailangan nang lumusong sa tubig sa lugar na malayo sa malakas na agos ng tubig ipaanod ang raft habang nakasakay ang buong pamilya. Ito’y para hindi ka tumama sa mismong bahay ninyo at ma-trap pa sa kung saang lugar.


12. Isakay na lahat ng loveones sa rafts. Itali na agad sa pinakamalapit na pinakamataas na punong-kahoy ang lubid habang hawak ng buong pamilya. Pumuwesto sa tabing puno na hindi inaagusan ng malakas na tubig. Pumili ng mas matibay na punong kahoy, huwag magtatali sa poste ng kuryente.


13. Kung may dala kang flare gun, mainam ito para makahanap ng liligtas na chopper kung papuputukin mo ito bilang hudyat ng paghingi ng tulong.


14. Maghintay habang palutang-lutang sa raft hanggang sa kayo ay mailigtas. Huwag bababa sa tubig, dahil baka tangayin ka ng iba pang lakas ng agos patungo sa delikadong mga lugar.


15.Pagtali-taliin ang mga sarili, huwag itali ang sarili sa raft.


16. Manatiling nakasakay sa raft.


17. Oo, napakalamig dahil basang-basa ka ng tubig ulan at baha, pero ang responsibilidad mo ay unahin ang iyong buong pamilya. Huwag silang iwanan kahit anong mangyari para lang magligtas ng iba pa, hayaan na gawin na lang ito ng rescuers.


18.Manatili sa mas hindi malakas na agos ng tubig sa mga gilid ng gusali at puno para manatiling ligtas.

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page