top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para sa maayos na distance learning, mga magulang at titser, dapat joint forces

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 12, 2020
  • 1 min read

@Editorial | October 12, 2020



Lunes na naman, pumasok na ang ikalawang linggo ng balik-eskuwela sa ilalim ng distance learning, ang tanong, kaya pa ba?


Sa bagong sistema, hindi talaga maiwasang mangapa ang lahat. ‘Ika nga, tayo’y nasa sitwasyon na okay lang magkamali.


Huwag nating ipilit na maging perpekto ang daloy ng edukasyon dahil marami pang kulang at posibleng lumabas ang mga kapalpakan.


Marami pa ring estudyante ang walang gadget at sobrang bagal ng internet connections. Gustuhin man nila at ng kanilang mga guro na maitawid ang leksiyon o kahit ang simpleng kumustahan ay pahirapan talaga.


Hirap din ang mga magulang na nagsisilbi ngayong personal na gabay sa pag-aaral. Maraming tanong at idagdag pa ang mga istorbo sa paligid. Kaya ang pakiusap, mag-ipon ng mas maraming pasensiya.


Tama na seryosohin ang pag-aaral at pagtuturo dahil napakahalaga ng edukasyon at kailangan itong maitawid sa gitna man ng pandemya pero, huwag nating dibdibin dahil baka nakaligtas nga tayo sa virus, madale naman tayo sa depresyon o atake sa puso. Relax lang.


Hanapin natin ang saya sa pag-aaral sa bahay. Gawin nating magaan ang lahat. Kung may pagkakataong nalilito ang mga bata sa module, manatili tayong kalmado at maayos na makipag-ugnayan sa titser.


Kung magtutulungan ang mga magulang at guro na maipaunawa sa mga estudyante na ang sitwasyon ay mahirap pero, kakayanin, magiging okay din ang lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page