Para mas maging tagumpay... Ano ba ang mahalaga, EQ o IQ?
- BULGAR

- Jul 25, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 25, 2020

Bakit may mga tao na mas binibigyan ng umaapaw na suwerte kaysa sa iba? ‘Yung iba’y ang dami namang ginawang pagsisikap, pero hindi pa rin hinatdan ng suwerte.
Maraming iskolar ang nagsasabi na dahil ito sa IQ ng isang tao. Sa kanyang aklat, The Bell Curve: Intelligence and Class Structure in American Life, sinabi nina Ph.Ds Richard J. Hernstein at Charles Murray na mientras mataas ang IQ ay higit na mapalad para maging matagumpay sa buhay kaysa anupaman at ang mababang IQ ay higit na walang diskarte sa buhay at naghihirap.
Sumang-ayon si Daniel Seligman, may-akda ng A Question of Intelligence: The I.Q. Debate in America, sapagkat may malakas na ugnayan ang I.Q. at ang mataas na posisyon sa trabaho at ang I.Q. sa income nito.
Pero, paano mo ipaliliwanag na nagkaroon ng isang competent superiors na hindi naman pasado sa kanyang kakayahan? Kung babanggitin ang MENSA, balita na nakitang pasado ang tubero, starlet at professional gamblers dito.
Sabihin na natin na ang talino ay hindi gayun kadaling maispatan na porke nag-iingles o nasa mataas na antas na ng estado ng pamumuhay. Sino ba ang makapagsasabi, halimbawa sa 168 na IQ test kay Marilyn Monroe ay mas mataas kay John F. Kennedy na 129 lang? (Ang iskor na 100 ay ikinokonsiderang pangkaraniwan lang at ang 150 ay highly gifted)
May mga evil genius naman, ibig sabihin, sobra-sobra. Si Al Capone ay sinasabing may IQ na 200 habang si Unabomber Theodore Kaczynski ay umiskor ng 170 sa edad na 10 lamang!
Huwag nating kalimutan ang mga over achiever na sina Director Steven Spielberg at CEO’s sir Richard Braniff at Charles Schwab ay mga ‘mahihina umano ang utak’ sa eskuwela. Ang nobel prize winner na si Francis Crick, na siyang nakatuklas sa istruktura ng DNA ay may IQ na 115.
Kung pag-uusapan ang mga nasa mataas na antas ng karunungan gaya na lang ng mga doctor (physician) ay karaniwan nang nasukatan ng may pangkaraniwang talino. At paano naman ang mga “C” student na nasa pamunuan ng White House? Sa kanyang aklat na IQ and the Wealth of Nations, nirebyu nina Richard Lynns at Tatu Vanhanens na habang ang IQ ay importante, wala pang higit sa one third ng lahat ng tagumpay ng tao ang naibase rito.
Sinabi ni Daniel Goleman, Ph.D., na siyang lumikha ng terminong Emotional Intelligence (EI) isang household word, na ang ating abilidad na mapanghawakan ang tagumpay, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa tao at sa propesyon ay higit na doble kaysa sa IQ na taglay natin.
Sa kanyang aklat na Working with Emotional Intelligence, aniya na 67% na abilidad ay hindi gaanong mahalaga para maging epektibo sa performance kundi ang balanseng damdamin, kabilang na ang self-awareness, self regulation, motivation, empathy at social skills.
At ito aniya ay totoo, kung tutuusin, ang lahat ng uri ng trabaho at mga tipo ng organisasyon ay ayon sa mataas na emotional intelligence ng tao.
Isinulat din ni Goleman na sa EI tests, upang malaman kung kailan at paano ihahayag ang emosyon ay may kaparaanan ito upang makontrol.
At nabanggit pa niya ang sinabi ni Aristotle (na nauna nang namatay bago pa nauso ang IQ testing, pero kung maiiskoran ay mataas marahil) na bilang paniniwala na ang kapasidad ng tao na mapanghawakan at positibong makapagbibigay ng magaan at magandang kalooban sa kapwa at sa kanyang ginagawa ay higit na mahalaga kaysa sa cognitive ability.
“Kahit sino ay maaring magalit, napakadaling gawin ‘yan,” ayon sa sulat ni Aristotle. “Pero ang magalit ka sa tamang tao, sa tamang antas at sa tamang oras, para sa tamang hangarin sa tamang paraan ay hindi ito madali.”
Ang Emotional Intelligence ang higit na importanteng factor upang madetermina ang kakayahan ng isang nararapat na empleyado, ani Auguste Coetzer, isang senior partner sa isang executive recruiting firm.
Ayon kay Coetzer ang pagkakaroon ng mataas na IQ ay mainam, pero aniya, “In my experience, 9 times out of 10 executive who succeeds is the one who is optimistic about life and the job and is capable of confronting failure or adversity with a smile and positive attitude.”
Hindi gaya ng IQ na sinabi ng researchers na inborn na, pero ang EI ay mapag-aaralan pa at dramatikong umiibayo sa tamang training at praktis.








Comments