Para ‘di mabagot sa Pasko, kahit 'dipuwedeng magbeso-beso ngayong pandemya
- BULGAR

- Nov 29, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 29, 2020

Ang Pasko ay ang holiday na ginugunita ang kapanganakan ni Hesukristo. Ito ang panahon ng kasiyahan at saya. Ito ang oras kung saan ang buong miyembro ng pamilya at mga kaibigan ay nagsasama-sama noon, pero ngayon ay puwede naman, pero mas mainam na huwag na munang maghawakan, huwag magbeso-beso at dumistansiya sa bawat isa. Kahit may social distancing, ito ang panahon na hindi kailangang mag-emote ang lahat dahil ipinagdiriwang natin ang magandang balita na ating natatanggap, si Hesukristo ay isinilang. Heto ang mga ideya kung paano magiging masaya at maligaya ang Pasko kahit may social distancing sa bawat isa.
Ang Pasko ay panahon kung saan kailangang ilaan ang oras para sa mga pamilya at kaibigan. Kung walang pagkakataon na makapag-imbita ng love ones, puwede kang magluto o mag-bake ng pagkain at kung may malapit lamang sa kanila ay ipadeliber na lamang ito. Ang ilang tradisyonal na ginagawa sa kusina ay buko salad, pansit, spaghetti, cake, fruit cake at dulutan ng panibagong mga sangkap na magpapasarap sa handaan. Bilang dagdag, puwede ring kumunsulta sa internet para sa kagila-gilalas na mga dekorasyon sa bahay at mga bagong lutuin. Kung papayag naman ang ibang kapamilya ay puwede kayong magdaos sa labas ng bakuran. Open air ika nga para iwas sa virus.
Kung outdoor person, puwede ka namang sumama sa grupo, kaibigan man, kapamilya o kaibigan at mangaroling kayo pero may social distancing pa rin. Ang tradisyon na ito ay nami-miss na ng marami, kailangang maibalik ito at gawin ng iba pa. Magsimulang mangaroling ng alas –9 ng gabi hanggang 11 p.m. Iwasan n'yo lang na huwag maulanan o maambunan, mahirap na. Huwag nang magpahuli, para ‘di ka na maabala sa iba mo pang gagawin habang maaga, magpa-print na ng mga kopya ng kanta ngayon. Maghanda na rin ng mga susuuting costume, santa suit at iba pang pamaskong costume habang nangangaroling kasama ng grupo para matuwa ang mga kapitbahay at malaki-laki ang ilalagay nila sa inyong sobre.
Sa oras naman ng pagsasalu-salo ay hindi naman puwede ang maraming pagsasama-sama para makapag-usap at makapagkuwentuhan, subukang mag-host ng Christmas party via zoom. Ngayon pa lang dapat nang paghandaan ang preparasyon, at kapag naplano na ito ng maaga, hindi ka mababagot bagkus ay magiging abala pa sa ginagawa. Ito ang mainam na oportunidad para malaman kung anong theme ng party ang gusto ninyo kahit puro lang kayo nagbabatian online o naka-chat live. Marami, maraming dapat na maging tema para sumaya kahit nasa gitna ng pandemya ang Kapaskuhan.
Isa pang magandang ideya ay magsimba, pero kailangang huwag magdikit-dikit. At dahil ang ang Pasko ay hinggil kay Kristo, ang mga simbahan ay nagho-host ng espesyal na programa sa panahon na ito. Ito ang panahon na makaririnig ng dahilan kung bakit si Kristo ay dumating at kung paano isinilang si Kristo. Ito ang mainam na panahon na makarinig ng awitin ng magagaling na choir group at orchestra music.
Ito rin ang mainam na panahon para maranasan ang pag-ibig at pagkakaisa ng marami kaya hindi ka mababagot. Pumunta sa malapit na simbahan para sa mas maaliw ka at madama ang masayang Pasko.








Comments