top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pangmatagalang ayuda sa mga apektado sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal

BULGAR
Mar 31, 2022
1 min read

@Editorial | March 31, 2022


Kasunod ng pagsabog at pag-aalburuto ng Bulkang Taal sa Batangas, tiniyak ng gobyerno ang ayuda para sa mga apektado nito.


Kung saan, may alok na trabaho ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga residente.


Sa pahayag ng pamunuan ng DOLE, may 10 araw na trabaho umano na ibibigay sa mga residente.


Katumbas ito ng P400 na minimum wage sa rehiyon.


Prayoridad ang mga residente sa Agoncillo, Laurel, San Luis, Calatagan at Calaca.

Inatasan din ang kanilang finance officer na maghanda ng P50 milyon hanggang P100 milyon, sakaling madagdagan pa ang mga naapektuhang residente.


Kasabay nito ang pagtitiyak na handa ang DOLE sakaling lumala ang sitwasyon ng Bulkang Taal, bagaman umaasa ang lahat na huhupa na ito sa mga susunod na linggo.

Malaking tulong ang ilang araw na trabaho dahil makatutugon pa rin sa pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Gayunman, mas marami ang umaasa sa pangmatagalang ayuda.


Marahil ay panahon na para magkaroon ng plano kung paano tuluyan nang makakalayo sa lugar ang mga residente na masasabing sadyang mapanganib.


Siyempre, kasabay nito ay dapat na magkaroon sila ng maayos na malilipatan at higit sa lahat ay trabaho o kabuhayan.


Ito sana ang susunod na maging hakbang ng kinauukulan para hindi na rin malagay sa alanganin ang ating mga kababayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page