top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pangako sa health workers, 'wag naman sanang mapako

BULGAR
Sep 6, 2022
1 min read

@Editorial | September 6, 2022


Iniutos na ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. ang agarang pagbibigay ng mga benepisyong naaayon sa batas para sa mga medical workers sa bansa.


Kasunod nito, kinalampag ng isang grupo ng mga healthcare worker ang gobyerno para sa mas magandang benepisyo para sa kanila.


Marami pa rin umano ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang One Hospital Command benefit. Sa kanilang ginawang survey noong Agosto, lumalabas na halos nasa kalahati pa ng pangkalahatang bilang ng mga manggagawa sa pangkalusugan ang hindi pa nakatatanggap ng nasabing benepisyo. Kaya hindi natin masisi kung bakit may mga nagpoprotesta pa rin.


Una nang ipinangako po na may pondo mula Enero hanggang Hunyo, pero marami pa rin ang nganga sa One COVID-19 Allowance (OCA).


Nasaan ang problema? Nasa Department of Health (DOH)? Sino ang naghahawak ng mga benepisyo at nagre-release?


Nangako na rin ang mga mambabatas na tutulong sa pamahalaan na matugunan ang mga suliraning ito at gayundin ang matagal nang inaasam ng mga nurse na mapabuti ang kalagayan nila, pangunahin na ang pagpapataas pa ng kanilang sahod. Ang tanong, kailan matutupad ang pangako? Huwag naman sanang mapako.


Nasaksihan naman natin kung paano sila araw-araw na nagbubuwis-buhay para sa kalusugan ng mamamayan, ano pa ba ang kulang?


Huwag nating hintayin na mapilitan silang umalis ng bansa dahil din sa ating kapabayaan.


Walang ibang panahon para ibigay ang mga benepisyo at makatarungang suweldo para sa mga health workers, kundi ngayon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page