top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pandesal vendor patay sa puno ng niyog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 28, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 28, 2023


ISABELA — Isang pandesal vendor ang namatay nang mabagsakan ng puno ng niyog kamakalawa sa Bgy. Villa Carmen, Ramon sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Ofelia Daculan, 52, residente ng Bgy, Parang-ayan sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang bisikleta at naglalako ng paninda niyang pandesal si Daculan ay biglang bumagsak ang puno ng niyog at nadaganan ang biktima.


Nabatid na nagtamo si Daculan ng sugat sa ulo at katawan.


Agad dinala ng mga residente si Daculan sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page