Pampasaherong bus niratrat
@Balitang Probinsiya | Pebrero 16, 2023
AKLAN—Isang lasing na lalaking namaril sa isang pampasaherong bus ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad sa bayan ng Ibajay sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Cristobal Obrique, nasa hustong gulang at nakatira sa bayan ng Libertad sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nakatayo umano si Obrique sa gilid ng kalsada nang sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril nito ang isang pampasaherong bus na may lulan na mga pasahero.
Nabatid na wala namang tinamaan ng bala, at dahil sa pamamaril ay inireklamo ito ng bus driver sa pulisya.
Patuloy pa ang manhunt operation ng mga tauhan ng pulisya para madakip ang suspek.



Comments