top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pamangkin at 2 pa na nang-iwan sa lolang PWD sa ilalim ng tulay, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 4, 2020
  • 2 min read

ni Twincle Esquierdo | September 4, 2020




Inaresto ang pamangkin ng 76-anyos na lolang basta na lang iniwan sa ilalim ng McArthur Bridge sa Manila kahapon.


Kinilala ang dinakip na si Ephraim Tan Yap, 51-anyos, residente ng Norberto St., Binondo, Manila, habang ang iniwang senior citizen ay si Fulgencia Tan.


Ayon kay Manila Police District Special Mayor's Reaction Team Chief Rosalino Ibay, Jr., arestado rin ang kasama ni Yap na si Emerita Decilio at ang tricycle driver na si Rogelio Espino.


"Nalaman natin na ang victim ay isang Person with Disability at senior citizen. We conducted a follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong malefactor natin. Ngayon, haharapin na nila ang ginawa nila," sabi ni Ibay.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Abandonment of Persons in Danger and Abandonment of One's Own Victim ang tatlong suspek.


Samantala, nasagip ng mga awtoridad ang matanda kahapon matapos mag-post ang isang netizen sa socmed ng kalagayan nito sa ilalim ng tulay.


Ayon sa Public Information Office (PIO), isinalaysay ni Yap sa kanila na tatlong linggo nang naka-confine ang tiyahin sa Metropolitan Medical Center. Kinarga niya ang responsibilidad na alagaan ang tiyahin nang mamatay ang asawa nito.


Nagpatulong si Yap kay Decilio na dalhin ang matanda sa Missionary of Charity at binigyan niya ng P1,500 para pambili ng mga kailangan ng tiyahin.


"Lumapit po ako kay Emie, pagtapos po noon, pumunta kaming barangay para sa certification na inaabandona ko na ang auntie ko. Kaya humingi po ako ng tulong para maipadala siya sa mga center," sabi ni Yap.


Pinatotohanan naman ito ni Decilio at ang sabi, "Mayroon na po akong certificate sa barangay na si Mrs. Tan ay abandoned kaya kailangan tanggapin ng Missionary of Charity kasi abandoned na. Pero wala pong tumanggap sa 'min, kaya desperado na po ako. Aaminin ko po, iniwan ko po," sabi ni Yap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page