Paliwanag kaya puwedeng magkatuluyan ang Aries-Gemini kahit fire at air sign
- BULGAR
- Apr 20, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| April 20, 2022
Dear Maestro,
Compatible ba kami ng girlfriend ko na isinilang noong June 13, 2004 at ako naman ay April 18, 1995? Magiging maayos at masaya ba ang relasyon namin kung sakaling kami ay mag-asawa na?
Umaasa,
Darren ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Darren,
Bagama’t hindi masyadong compatible ang zodiac sign mong Aries, habang Gemini naman ang iyong girlfriend, puwede na ring pagtiyagaan ang ganyang relasyon hangga’t kayo ay nagmamahalan, dahil ang Aries ay may elementong fire o apoy, habang ang Gemini ay nagtataglay ng elementong air o hangin. Ibig sabihin, ayon sa Western Astrology, secondary compatible ang anumang relasyong fire at air.
Samantala, sa pag-aanalisang Numerology, ikaw ay nagtataglay ng birth date na 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9), habang bukod sa birth date na 9, ikaw din ay nagtataglay ng destiny number na 1. Naging 1 ang destiny number mo dahil ang iyong birthday na April 18, 1995 ay kinokompyut ng ganito: 4+18+1995=2017/ 20+17=37/3+7=10/ 1+0=1.
Sa kabilang banda, ang girlfriend mo naman ay nagtataglay ng birth date na 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4), habang bukod sa numerong 4, siya rin ay nagtataglay ng destiny number na 7. Naging 7 ang destiny number niya dahil ang birthday niyang June 13, 2004 ay kinokompyut ng ganito: 6+13+2004=2023/ 20+23=43/ 4+3=7.
Sa madaling salita, ang destiny number mong 1 ay tugma sa birth date na 13 or 4 ng iyong girlfriend dahil ang totoo nito, ang numerong 1-4 ay kambal, na hindi naman sila nagkakalayo ng pangunahing katangian at kapalaran, tulad ng kambal na numerong 2-7. Ibig sabihin, tunay ngang tugma ang mga numerong 1, 10, 19, 28 sa mga numerong 4, 13, 22 at 31, tulad ng relasyon n’yo ng girlfriend mo.
Dagdag pa rito, ang birth date mong 18 o 9 ay strong number, kung saan weak number naman ang destiny number na 7 ng girlfriend mo. Sa madaling salita, compatible talaga ang inyong mga numero, kaya malaki ang pag-asa na hangga’t nananatili sa inyong relasyon ang malawak na pag-unawa, respeto sa isa’t isa, pagbibigayan o pagpapatawaran sa panahong may pagkukulang ang isa, at higit sa lahat, hangga’t nananatili sa inyong puso ang pagmamahalan, siguradong mananatili rin sa inyong relasyon ang maligaya at panghabambuhay ng pagmamahalan.



Comments