Palengke, nasunog
@Balitang Probinsiya | June 19, 2023
CAPIZ -- Isang palengke ang natupok matapos na sumiklab ang apoy kamakalawa sa Bgy. Tabuc Sur, Panitan sa lalawigang ito.
Ang mga nasunog ay ang Panitan Public Market sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa isang stall at mabilis na kumalat ang apoy kaya naabo ang buong palengke.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na faulty wiring ang naging sanhi ng sunog.
Wala namang naiulat na nasaktan sa naganap na insidente.



Comments