Palengke, nasunog
Apr 12, 2023
1 min read
@Balitang Probinsiya | April 12, 2023
NEGROS OCCIDENTAL –Nasa 18 stalls ang nasunog kamakalawa sa isang palengke sa Bgy. Cabacungan, La Castellana sa lalawigang ito.
Biglang sumiklab ang sunog sa isang stall at mabilis na kumalat ang apoy kaya nadamay ang 17 pang stalls.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na faulty wiring ang naging sanhi ng sunog.
Wala namang naiulat na nadisgrasya sa insidente.



Comments