top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Palad ng binatang mahiyain sa girls, suwerte sa career pero palpak sa love life

  • BULGAR
  • Sep 21, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 21, 2021



KATANUNGAN

  1. Sa edad ko bang 42, makapag-aasawa pa ako kahit mahiyain ako sa mga babae at hindi ako marunong manligaw?

  2. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang public office, mapo-promote at aasenso ba ako sa aking trabaho?

  3. Balak ko na kasing mag-resign kapag nakatapos na sa pag-aaral ang kapatid naming bunso. Ako ang nagpapaaral sa kanya at mag-a-apply na lang ako sa broad. May Travel Line ba ako at posible bang umsenso ako sa pangingibang-bansa?

KASAGUTAN

  1. Lahat ng pangarap mo na may kaugnayan sa career ay sigurdaong matutupad mo. Ito ang nais sabihin ng tuluy-tuloy, matayog (F-F arrow a.), hindi nalatid at nakarating sa Bundok ng Tagumpay (Drawing A. at B. F-F arrow b.) na Fate Line, na tinatawag din nating Career Line sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ito ay tanda na anuman ang isipin o planuhin mo sa iyong career, halimbawang hindi ka umalis sa kasalukuyan mong trabaho, tiyak na mapo-promote ka at magiging department head. Habang kung mangingibang-bansa ka naman gamit ang natapos mong kurso na may kaugnayan sa komersyo, ang malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad ang gumagarantiya na makapag-aabroad ka sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.

  3. Ibig sabihin, sadyang maganda at pinagpala ang buhay mo sa larangan ng career at propesyon, ngunit ang naging negatibo lamang ay ang mapangit at buhol-buhol na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow d.) na kinumpirma pa ng nakatingalang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow e.), na tila may tinitingnan sa itaas ng langit (arrow e.). Ito ay tendency ng mga kasawian sa pag-ibig, pag-iisa sa buhay at sa bandang huli ay pagtandang binata.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ngayon pa lang, dapat ay may alagaan at pagpalain ka nang isang pamangkin, nang sa gayun, kapag naganap sa buhay mo ang pagtandang binata, dahil naging mabait ka sa iyong mga pamangkin, kapag uugod-ugod at mahina ka na, tunay ngang sila naman ang mag-aalaga at mag-aaruga sa iyo.

  2. Habang, tulad ng naipaliwanag na, Mr. Taurus, sadyang magiging mapalad ka sa career, propesyon at maging sa kabuhayan. Ngunit sa pag-aasawa at paglagay sa tahimik at pamilyadong buhay, malabo mo itong makamit, maliban na lang kung ang babaeng isinilang sa zodiac sign na Virgo ang pipikot at pipilit sa iyo, pero kung walang ganong senaryong maganap sa taong ito ng 2021hanggang 2022, malamang na nakatakda na sa kapalaran mo ang pagtandang binata habambuhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page