top of page

Pahiwatig na sisikat at makakatanggap ng maraming karangalan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2024
  • 1 min read

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 29, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romeo ng Davao.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko ang libro at kalansay. Ano ang ibig sabihin nu’n?

Naghihintay,

Romeo



Sa iyo, Romeo,


Iba’t iba ang kahulugan ng libro sa panaginip. Kung nagbabasa ka ng libro, ito ay nangangahulugang sisikat at kikilalanin ka. Isa pa, makakatanggap ka rin ng maraming karangalan. 


Kung sa panaginip mo ay may nagbigay sa iyo ng libro, ito ay nagpapahiwatig na ngayon mo na dapat ligawan ang babaeng iyong iniibig. Huwag kang mag-alala, dahil tiyak kong magugustuhan ka rin niya, hanggang sa mauwi sa pag-iisang dibdib ang inyong relasyon.


Pero kung ang libro naman sa panaginip mo ay nasa bookshelves ito ay senyales na liligaya ka sa darating na mga araw.


Samantala, ang mga kalansay ay indikasyon na isa ka sa magiging tagapagmana ng mga yumao mong mahal sa buhay. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna







Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page