top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Pahinante, tepok sa bumaligtad na trak

BULGAR
Jul 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 15, 2022


NORTH COTABATO—Isang pahinante ang namatay at sugatan naman ang driver nang aksidenteng bumaligtad ang kinalululanan nilang elf truck kamakalawa sa Bgy. Pagangan, Aleosan.


Hindi muna pinangalanan ang nasawing pahinante hangga't hindi naipaparating sa pamilya nito ang pagkamatay ng biktima, samantalang nakilala naman ang sugatang driver na si Johani Sangay, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente ng Zamboanga City.


Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng elf truck na minamaneho ni Sangay kaya bumaligtad ang nasabing sasakyan.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng mga pinsala sa ulo at sugat ang mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara dead-on-arrival si "Junior."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page