top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahinante ng trak, tiklo sa shabu

BULGAR
Oct 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 25, 2022


CAMARINES NORTE—Isang pahinante ng trak ang dinakip ng pulisya matapos makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Catioan, Capalonga.


Itinago muna ng mga awtoridad ang suspek sa pangalang "Cardo", nasa hustong gulang, habang iniimbestigahan pa ito upang mabatid kung sino ang nagsu-supply ng shabu sa kanya.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation sa naturang barangay dahilan kaya nadakip ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page