top of page

Pahinante, nasagasaan ng trak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 18, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 45-anyos na pahinante ang namatay nang masagasaan ng isang trak kamakalawa sa Bgy. Mambaroto, Sipalay City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Harold Francisco, residente ng Bacuyangan, Hinoba-an sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng trak ang hindi pinangalanang driver nito, at sa takot ni Francisco ay bigla itong tumalon sa sasakyan.


Nabatid na pagbagsak ni Francisco ay pumailalim ang ulo nito sa trak kaya nagulungan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa driver ng trak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page