top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahinante, nadale ng nakaparadang trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 26, 2023



AKLAN -- Isang pahinante ang nasa kritikal na kalagayan nang bumangga ang kinalululanan niyang dump truck sa isang nakaparadang 10-wheeler truck kamakalawa sa Bgy. Pagsanjan, Banga sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rogelio Cartujano, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing bayan.


Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng dump truck na minamaneho ni John Mark Diondom kasama si Castujano kaya bumangga ito nakaparadang 10-wheeler truck sa nabanggit na lugar.


Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang biktima, habang minor injury ang tinamo ni Diondom.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan ito sa pagamutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page