Pahinante dedbol sa trak
@Balitang Probinsiya | October 26, 2022
ALBAY—Isang gunrunner ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Bagumbayan, Legazpi City.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa alyas na Tope habang iniimbestigahan ito upang madakip ang iba pang kasamahan nito sa gun running syndicate.
Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na nagbebenta ng baril si "Tope" ay agad nagsagawa ng buy-bust operation, kaya nadakip ang suspek na nakumpiskahan ng .22 pistola at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments