top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagsusuot ng face mask, mabisang panlaban pa rin sa COVID, period!

BULGAR
Jun 11, 2022
1 min read

@Editorial | June 11, 2022


Kontrobersiyal ngayon ang inilabas na Executive Order ng pamahalaang-panlalawigan ng Cebu kaugnay sa pagsusuot ng face mask.


Nakasaad dito na hindi na obligado ang pagsusuot ng face mask sa mga well-ventilated at open spaces sa nasabing lalawigan.


Bagama’t nilinaw naman na ang mga indibidwal na nakararanas ng sintomas ng COVID-19 ay kailangan pa ring mag-face mask.


Nakasaad pa sa EO na ito ay upang i-rationalize ang mga hakbang tungo sa ‘new normal’.

Gayunman, iginiit ng Inter Agency Task Force (IATF) na hindi nagbabago ang polisiya sa pagsusuot ng face mask, nananatili itong mandatory.


Malaking tulong ang pagsusuot ng face mask para hindi tumindi ang hawahan ng nakamamatay na sakit. Hindi lang COVID-19 ang nilalabanan nito kundi maging iba pang mga sakit na nakahahawa.


Bagama’t mandatory ang pagsusuot ng face mask, may mga pagkakataon naman na pinapayagan ang pagtatanggal nito — kumakain, nasa sports activities, at iba pa.


Gayunman, ang kautusan na hindi na ito gawing mandatory sa labas, eh, medyo delikado pa rin.


Hindi natin masabi kung kailan magiging matao ang isang lugar lalo na kung may ‘di inaasahang pangyayari. Iba pa rin kung magiging mas maingat kaysa magsisi sa huli.


Hindi ito ang panahon para magpabaya kundi mas dapat na maging maingat, responsable at disiplinado.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page