top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagsigla ng turismo, nakasalalay pa rin sa diskarte at disiplina

BULGAR
Sep 19, 2021
1 min read

@Editorial | September 19, 2021


Sa kabila ng unti-unting pagbubukas ng turismo sa bansa, inaasahang makababalik lamang ang sigla nito depende umano sa pagresolba sa health crisis.


Ayon pa sa Bangko Sentral ng Pilipinas, posibleng noong 2023 pa tuluyang makabangon ang turismo. Mabagal pa umano ang vaccination program ng gobyerno at patuloy din ang hawahan.


Kaya masasabing nakasalalay pa rin sa pandemic response ng pamahalaan ang muling pagsigla ng turismo. Ganundin ang disiplina naman mula sa publiko. Aanhin natin ang sangkatutak na health protocols at programa kung hindi naman sinusunod?

Ngayon nasa bagong sistema tayo, sana’y maging epektibo ito nang tuluyan nang bumaba ang kaso ng COVID-19.


Bagama’t masasabing mas mahigpit dahil sa ipinatutupad na granular lockdown, may pagluluwag pa rin gaya nga sa turismo at pagbubukas ng iba pang establisimyento.

Ang panawagan lang sa lahat ay maging responsable at disiplinado. Puwede nang mamasyal, basta huwag magpasaway.


Kaugnay nito, paiigtingin din ang police visibility sa mga pampublikong pasyalan. Ang kanilang presensiya ay magsisilbing paalala sa mamamayan na laging sumunod sa mga ipinaiiral na safety protocols. Binilinan din ang mga pulis na palaging maging magalang sa pagsita ng mga violators.


Umasa tayong patuloy na ang pagbawi ng ating ekonomiya, okay lang na mabagal basta umuusad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page