Pagpapalit ng kurso, nakatakda sa bebot na suko na sa engineering
- BULGAR

- Feb 3, 2021
- 1 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| February 3, 2021

KATANUNGAN
Gusto kong malaman kung dapat na ba akong mag-shift ng course? Engineering ang kurso ko ngayon, pero bukod sa hindi ko ito gusto ay nahihirapan na ako.
Ano ang magandang kurso na bagay sa akin at tiyak na makakatapos ako para matupad ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin na makatapos ng kolehiyo?
KASAGUTAN
Teacher o Education ang dapat at bagay sa iyong kurso, sa halip na engineering. Ito ang nais sabihin ng “teacher’s square” sa kaliwa at kanan mong palad (arrow a.). Gayundin, ito ay tanda na mas papalarin ka sa larangan ng pagtuturo kaysa sa pagi-inhinyero at pagco-compute ng kung anu-anong kumplikadong mga numero.
Ang pag-aanalisang kung engineering ang kinuha mong course sa kasalukuyan ay malamang na mag-shift ka nga sa pagiging isang guro ay madali namang kinumpirma ng Career o Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.), na nagbago ng linya o tinatahak niyang direksiyon, ngunit nakarating pa rin sa kanyang destinasyon – sa Bundok ng Saturno (arrow b.).
Ito ay tanda na tiyak ang magaganap, kung magbabago ka na ng kurso sa susunod na semester, tuluy-tuloy ka nang malilipat sa kursong Education at sa nasabi namang larangan, walang duda na roon ka na rin uunlad, magtatagumpay at magiging maligaya (arrow b.).
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Marivic, teacher o Education ang angkop na angkop sa iyong kurso at tulad ng nabanggit na sa itaas, sa nasabing career o propesyon, nakatakda na ang magaganap. Sa iyong career, magtatagumpay ka, uunlad at habambuhay na magiging maligaya.






Comments