top of page
Search

Pagod na sa paulit-ulit na routine? Pagre-resign, pag-isipang mabuti

BULGAR

ni Mabel Vieron @Lifestyle | June 18, 2024



File photo

Pagod ka na rin ba at feeling mo nade-drain ka na sa kakatrabaho? Sumasagi na rin ba sa isip mo ang mag-resign o pilit ka pang lumalaban para sa pangarap at pamilya mo? 


Hindi madali kapag nasa ganitong sitwasyon ka, pero kahit na ganu’n mahalaga na mapanatili nating maayos ang relasyon natin sa ating employer at upang maiwasan na rin ang mga problema sa pag-alis. Narito ang mga dapat mong tandaan:

  1. MAGBIGAY NG SAPAT NA ABISO. Sundin ang polisiya ng kumpanya o mga kontrata sa pagbibigay ng abiso bago mag-resign. Oks?

  2. MAG-FILE NG RESIGNATION LETTER. Gumawa ng opisyal na liham ng pagbibitiw na naglalaman ng iyong intensyon na mag-resign, petsa ng huling araw ng trabaho, at isang maikling pahayag ng pasasalamat sa kumpanya para sa mga pagkakataon na ibinigay sa iyo. Pero besh, as long as kaya n’yo pa, laban lang! 

  3. BE PROFESSIONAL. Maging propesyonal ka sa iyong pag-uugali kahit na nasa proseso ka na ng pag-alis. Mahalaga ito para sa iyong reputasyon at maaaring makatulong sa iyo sa hinaharap. Hindi ‘yung aalis ka na nga, attitude ka pa? ‘Wag ganu’n, besh! Kahit ‘di naging maayos ang samahan n’yo, dapat pa rin tayong magpasalamat sa kanila. 

  4. WATCH YOUR MOUTH. Kahit ‘di naging masaya ang karanasan mo sa kumpanya, iwasan ang pagbibigay ng negatibong pahayag o pagpapahiwatig sa iyong resignation letter o sa mga huling araw mo sa trabaho. 

  5. PAG-ISIPANG MABUTI. Bago ka magdesisyon na mag-resign, tanungin mo muna ang iyong sarili kung bakit mo gustong umalis at kung ano ang mga pangarap mo para sa hinaharap. Siguraduhing hindi ito bunga ng biglaang damdamin at mayroon kang malinaw na layunin.

  6. MAGPLANO PARA SA NEXT STEP. Pagkatapos ng pag-alis sa trabaho, maglaan ng oras upang magplano ng iyong mga susunod na hakbang sa karera. Maaari kang maghanap ng bagong trabaho, mag-aral ng bagong kasanayan, o pagtuunan ang iyong sariling pag-unlad. Ang pagre-resign ay maaaring maging simula ng bagong pagkakataon para sa iyong pagbabago.


Ang pagre-resign ay hindi lamang simpleng pag-alis sa trabaho; ito ay isang oportunidad upang mag-isip, magplano, at magkaroon ng bagong direksyon sa iyong karera. 


Sa tamang paghahanda at pag-uusap, maaari mong gawing maayos at positibo ang paglipat sa susunod na yugto ng iyong buhay. Oki?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page