Pagkamatay ni Cabral, makakaapekto sa mental wellness ng mga secretary — VP Sara
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Info @News | December 26, 2025

Photo: File / Cabral at Sara Duterte / FB
‘MAG-IISIP NA SILA KUNG MAHUHULOG DIN BA SILA SA BANGIN’
Makakaapekto umano sa mental wellness ng mga undersecretary at assistant secretary sa mga opisina ng mga departamento ang pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Ma. Catalina Cabral, ayon kay Vice President Sara Duterte.
“Dahil ‘yung mga kaparte ng mga anomalya, mag-iisip na sila kung mahuhulog din ba sila sa bangin,” ani VP Sara.
Samantala, tumangging magkomento ang Bise kung may foul play sa pagkamatay ni Cabral, “Hindi ako maka-speculate kung ano ang nangyari doon sa Kennon Road dahil hindi ko naman nabasa kung ano ‘yung mga report.”








Comments