top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagkakaroon ng Medical Reserve Corps, aprub!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2020
  • 1 min read

@Editorial | August 11, 2020



‘Ika nga sa mga pagkakamali, tayo’y natututo at ang mga kakulangan ay unti-unti nating napupunan.


Tulad ngayon, tayo’y nasa sitwasyon na pare-pareho tayong nangangapa. Pinag-aaralan kung paano malalagpasan ang pandemya. May mga pagkakataong sumasablay kaya nagiging mabagal ang pagtugon sa bawat problema.


Ngayon natin nakikita ang kahalagahan ng pagiging handa. Lumalabas kung anu-ano ang mga kulang sa ating sistema. Tulad ng problema sa kakulangan sa medical workforce. Nakakalungkot ang pinagdaraanan ng ating mga healthcare workers — silang mga gumagamot, sila rin ay nagiging pasyente. Kinailangan pa nilang manawagan para sa saglit na pahinga.


Kaya sang-ayon tayo sa panukalang lumikha ng Medical Reserve Corps. Sa ilalim ng panukala, gagamitin ng pamahalaan tuwing national emergency ang mga nagtapos ng medisina, nursing, medical technology at iba pang health-related fields kahit hindi pa nakakakuha ng lisensiya dahil sa iba’t ibang kadahilanan.


Tiyak na malaking tulong ang kanilang maibibigay dahil mayroon naman silang kaalaman sa ganitong larangan. Mayroon namang proseso para rito na matitiyak pa ring magiging maayos ang maibibigay nilang serbisyo.


Sana ay agad itong mabigyang-pansin ng ating mga mambabatas. Alam natin lahat naman sila ay iisa ang pangarap kaya nag-aral ng medisina, ang makapaglingkod sa kapwa lalo na sa oras ng pangangailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page