top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pagbigay ng tulong sa mga nalindol, ‘wag pabagal-bagal

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10
1 min read

by Info @Editorial | June 9, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi dapat maghintay nang matagal ang mga biktima ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao para makatanggap ng tulong. Habang ligtas ang iba sa kanilang mga tahanan, libu-libong pamilya ang gutom, walang matulugan, at nangangamba para sa kanilang kaligtasan.


Sa panahon ng sakuna, mahalaga ang mabilis na aksyon. Ang pagkain, malinis na tubig, gamot, at pansamantalang tirahan ay dapat agad na maiparating sa mga apektadong lugar. 


Ang anumang pagkaantala ay maaaring magdulot ng mas matinding paghihirap at panganib sa buhay ng mga biktima.


Dapat ding tiyakin ng pamahalaan na maayos at patas ang pamamahagi ng ayuda. 

Hindi sapat ang mga pangako at anunsyo kung mabagal naman ang pagdating ng tulong sa mga nangangailangan. Kailangan ng konkretong aksyon at mahusay na koordinasyon upang walang pamilyang mapabayaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page