Pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19, dapat gawing maayos at patas

@Editorial | November 23, 2020
Palapit na nang palapit ang pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19.
Kaugnay nito, nagsimula na rin ang panawagan sa gobyerno partikular sa Department of Health (DOH) na maglatag na ng maayos at patas na sistema para sa pagbibigay ng nasabing bakuna.
Matatandaang laging sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na uunahing bigyan ng bakuna ang mga mahihirap. Ang tanong, mangyari kaya ito? Sana.
Sana’y tiyakin ng mga awtoridad na magkaroon ng access ang mga pinakanangangailangan, lalo na ang mahihirap.
Kung sapat ang budget para sa bakuna, wala naman sigurong dahilan para magkaroon ng problema.
Samantala, kailangan ding masiguro na laging may alam ang taumbayan sa ibibigay na bakuna. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang kalituhan at takot. Tigilan na ang paggawa at pagpapakalat ng fake news. Alam naman natin ang panahon ngayon, lahat na lang ay ginagawan ng maling impormasyon, walang pakialam sa magiging masamang epekto.
At sakaling may mahuli, dapat ay patawan na ng pinakamataas na parusa. Hindi biro ang pinagdaraanan nating pandemya, buhay at kamatayan ang pinag-uusapan.



Comments