top of page

Pagbabawal na lumabas ang kabataan, para sa ikabubuti ng lahat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2021
  • 1 min read

@Editorial | March 22, 2021



Dinipensahan ng Palasyo ang desisyon kaugnay sa pagbabawal sa mga menor-de-edad na lumabas sa loob ng dalawang linggo. Anila, ang pagbabawal sa paglabas ng mga bata sa gitna ng surge sa COVID-19 cases ay para sa ikabubuti ng lahat.


Samantala, hindi naman sang-ayon sa pahayag ang United Nations International Children’s Emergency Funds (UNICEF), maapektuhan umano ng naturang hakbang ang mga karapatan ng kabataan.


Kamakailan, sinabi ng UNICEF na ang desisyon ng Metro Manila Council na ipagbawal muna ang paglabas ng mga bata ay maituturing na “infringement” sa kanilang karapatan.


Mula noong Miyerkules ay bawal nang lumabas ulit ng bahay ang mga bata dahil sa muling pagtaas na naman ng kaso ng COVID-19.


Batid nating nakakaaburido o nakababagot nga naman ang walang ginagawa o paulit-ulit ang gawain. Pero hangad nating maintindihan nila na ang kasalukuyang sitwasyon ay nagdulot na ng malaking epekto sa buhay ng bawat isa, ‘ika nga ay nagtiis na kaya magsakripisyo pa muna hanggang sa tuluyang mawala o matapos ang pandemya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page