Pagbabago raw ang gusto, hindi panggagago… JASON, IPINAGSIGAWANG SISING-SISI NA IBINOTO SI P-DIGONG
- BULGAR

- Jul 26, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 26, 2020

Hindi nagustuhan ni Jason Abalos ang pagbibiro ni Presidente Rodrigo Duterte na maaari umanong gamitin na pang-disinfect ng kamay at face mask ang gasolina.
Sumama ang loob ng Kapuso actor dahil ibinoto raw niya ang presidente.
Tweet ni Jason sa kanyang Twitter account, "Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag-joke?”
Dugtong pa niya, “Pagbabago ang ginusto ko nu'ng ibinoto kita, hindi panggagago!"
May apela rin ang aktor sa gobyerno na kailangang mag-provide ng konkretong plano para maiwasan ang pandemya.
Aniya, "Sinukuan na ng iba ang COVID at naghihintay na lang ng vaccine pero walang maayos na plano na makakakalma ng mga tao.
"Sa panahon ngayon, wala nang maaasahan na iba. Sinukuan na ng iba ang COVID at naghihintay na lang ng vaccine pero walang maayos na plano na makakakalma ng mga tao."





Comments