top of page

Pag-iimpok ng mga miyembro sa MySSS Pension Booster

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 29, 2024
  • 2 min read

by Info @Buti na lang may SSS | Sep. 29, 2024



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay isang SS member. Nabalitaan ko kamakailan na mayroong bagong programang inilunsad ang SSS na tinatawag na MySSS Pension Booster para sa aming mga miyembro. Ano ba ang programang ito? Salamat. — Lito

 


Mabuting araw sa iyo, Lito! 


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat may iniaalok ang SSS na isang savings program bilang karagdagang paraan ng pag-iipon para sa retirement ng mga miyembro. Ito ay tinatawag na MySSS Pension Booster.


Mahalaga ang MySSS Pension Booster sapagkat ito ay nagsisilbing karagdagang social protection ng mga miyembro bukod sa kanilang regular SSS program.


May dalawang schemes ang MySSS Pension Booster. Isa rito ang Voluntary MySSS Pension Booster o dating tinatawag na Workers’ Investment and Savings Program (WISP) Plus.


Ang MySSS Pension Booster ay isa sa mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na sinimulang ipatupad noong Enero 2021. Ito ay isang retirement savings program na pinangangasiwaan at ipinatutupad ng SSS upang matulungan ang mga miyembro na makaipon ng mas malaki para sa kanilang pagreretiro. Tulad ng regular SSS program ay hinuhulugan din ito kada buwan.


Ito ay isang programa para sa lahat ng miyembro, anuman ang kanilang monthly salary credit (MSC) o bracket na may hindi bababa sa isang kontribusyon at wala pang final claim sa ilalim ng kanilang regular SSS program.


Ang Pension Booster ay isang magandang oportunidad sa mga miyembro upang mapalago ang kanilang pera na magsisilbing karagdagang layer ng social security protection para sa kanilang retirement fund bukod pa sa kanilang regular SS program.


Layuning protektahan ang principal ng mga contribution dito. Ibig sabihin, hindi dapat bababa ang nominal value nito, bagkus ay tataas lamang ito depende sa performance ng SSS



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page