Paano malalaman kung psychic ang isang bata?
- BULGAR
- Mar 27, 2021
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 27, 2021

Alam n’yo ba na ang mga batang psychic ay madalas na sobrang sensitibo sa kanyang kapaligiran, na nagiging dahilan pareho ng mataas na simpatiya sa iba, pero kung minsan ay matatakutin o may nakagigimbal na ugali. Marami sa psychic children ay may problema sa paga-adjust sa eskuwelahan at sa kanyang pakikisalamuha, nagpapakita rin sila ng karakter na mahirap espilengin dahil sa kanyang psychological disorders, tulad ng madalas na bangungot at nakikipag-usap sa mga hindi nakikita. Iba pang karaniwang karakter ay problema sa pagtulog at nahuhulaan nila ang mga susunod na mangyayari.
1. SENSITIBO.
a.Ang mga batang psychic ay nagpapakita ng malalim na sensitibidad sa kanilang kapaligiran, kabilang na ang tao, mga hayop, bagay na natural sa mundo. Ang sensitibidad ay nakikita sa kanyang damdamin sa iba maging sa kanyang personal na pagpapakita ng emosyon.
Ang sigwa ng kanyang damdamin ay minsang nagiging dahilan ng problema sa bata, na minsan hindi niya mapigilang ugali at turing sa ibang tao. Bilang dagdag, ang mga psychic na bata ay walang kadahi-dahilan na natatakot sa isang silid o lugar at nagiging hindi komportable lalo na kapag iniiwang mag-isa.
2.PRECOGNITION.
Ang precognition, o ang abilidad na makita at mahulaan ang mga susunod na mangyayari ay isang karaniwang karakter ng isang batang may psychic. Sa isang babasahing "Psychic Children: Revealing the Intuitive Gifts and Hidden Abilities of Boys and Girls," nabanggit nina Sylvia Browne at Lindsay Harrison ang iba’t ibang pangyayari ng precognition, ang ilan dito ay iniligtas ng mga bata. Halimbawa, isang bata ang nakapag-predict na may nakapasok na magnanakaw sa hotel, habang ang iba ay nahulaan niya ang isang kahindik-hindik na aksidente sa kalye.
Ang prediksiyon ng negatibong event ay nakalilito at nakagigimbal para sa mga bata, dahil naniniwala sila na baka sila ang dahilan ng lahat.
3. NAKIKIPAG-USAP SA HINDI NAKIKITA.
Ang karakter na ito ay nakalilito para sa magulang at iba pang miyembro ng pamilya, dahil mahirap na masuri kung ano ang totoo kapag nasa imaginary play ang bata o baka siya’y may sakit lamang sa pag-iisip. Sinasabi na ang pigura na ito ay maaaring isang "spirit guides," na mahalaga at "primarily interested in the child's spiritual development." Nakikita rin ng mga batang psychic ang hindi natin nakikitang tao sa loob ng bahay o sa bakuran. Napakahalaga para sa magulang na tanungin ang mga bata tungkol sa insidenteng ito at kung saan nanggaling at kung ano ang epekto nito sa kanya.
4. ANG PAGTULOG AT PROBLEMA SA UGALI.
Ang mga batang psychic ay maaaring makaranas ng paulit-ulit o malinaw na bangungot at iba pang mga abala sa kanyang pagtulog. Ayon sa Professional House Clearing, madalas silang sumisiksik sa isang gilid ng kama dahil na rin sa umano’y may negatibong enerhiya sa kanilang silid. Sila rin ang mga batang nagpapakita ng pangit na ugali tulad ng galit at bayolenteng ugali. Bunga ng ‘di pag-unawa sa kanilang abilidad, maaari silang ma-diagnose na may ADHD o iba pang sikolohikal na sakit.








Comments