top of page

Tips para sa epektibong time management

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2020
  • 2 min read

ni Jersy Sanchez - @No Problem| November 16, 2020




For sure, marami rin sa atin ang “struggling” sa time management. Ito ay dahil kahit napakaraming gawain, hindi makatanggi sa distraction tulad ng paggamit ng gadget, paggawa ng mga hindi importanteng gawain at kung anu-ano pa.


Kaya ang tanong ng marami, paano nga ba ito mao-overcome at ano ang epektibong paraan para magamit nang tama ang oras?


Worry no more dahil narito na ang ilang tips para sa epektibong time management:

  1. PLANNER O TIME TRACKER. Ang pagkakaroon ng to-do tasks sa isang papel ay epektibong paraan para ma-manage ang oras. Ilista ang mga bagay na dapat gawin, mga nagawa na at ilang mga reminders. Nakatutulong ito para ma-track ang iyong progress sa buong araw.

  2. MAGLISTA AT MAG-PRIORITIZE. Alam n’yo ba na ang paglilista ng mga bagay na kailangan ay epektibong paraan para ma-manage ang oras? Ito ay dahil nakatutulong ito para maiwasan ang paggawa ng mga bagay na hindi naman kailangan. Para gawin ito, ilista ang mahahalagang errand o gawain, saka piliin kung ano ang dapat unahin.

  3. NO MULTITASKING. Akala natin, okay ang pagmu-multitask, well, true naman. Pero mga bes, sa paggawa nito, hindi masisigurado ang kalidad ng ating gawain o project. Para hindi magpaulit-ulit sa gawain, mabuting magpokus sa iisang gawain para makatiyak na maganda ang kalidad ng proyekto.

  4. KUMPLETONG MGA DETALYE. ‘Pag may gawain, tiyaking ilalagay sa output ang mahahalagang impormasyon. Ito ay dahil nababawasan ang oras para sa pagre-revise at pagtse-tsek kung na-meet mo ang standard ng iyong boss sa unang pagpapasa pa lamang.

  5. IWASAN ANG DISTRACTIONS. Iwasang maglaan ng oras sa hindi importanteng bagay. Kung tatanggalin ang mga distractions sa routine, makatutulong ito para makatapos agad sa trabaho.

  6. DEADLINE. Sa paglilista ng mga gawain, isama na rin ang duration o deadline para maiwasan ang pagde-delay o procrastination sa bawat gawain.

  7. SUNDIN ANG ROUTINE. Gumawa ng schedule para maging organized. Magpokus sa mahahalagang gawain at iprayoridad ang pinakamahalaga. Para magawa ito, gumawa ng plano na realistic at swak sa iyong work schedule.

  8. I-ORGANIZE ANG WORKPLACE AT FILES. Ang epektibong time management strategies ay nagpe-pressure sa atin para i-organize ang ating workplace. I-imagine ang sarili na naghahanap ng dokumento sa isang tambak na mga papel. Hindi ba, nakai-stress ito at sayang sa oras? Kaya para iwas-stress at tipid sa oras, panatilihing organized ang working station, lalo na ang mga files.

  9. REWARD SYSTEM. Kung tutuusin, mahirap talagang iwasan ang mga distractions. Pero depende ito kung paano mo sasanayin ang epektibong time management strategies nang mag-isa. ‘Pag nakatapos ng importanteng task, why not reward yourself? Hindi kailangang bongga, besh. Kahit simpleng bagay lang tulad ng isang movie night o bumili ng paborito mong pagkain, solb na.

Sa totoo lang, wa’ epek ang mga hakbang na ito kung hindi ka naman disiplinado. Kahit anong gawin natin, magsisimula pa rin ito sa disiplina sa sarili.


Bagama’t may mga pagkakataong wala tayong gana magtrabaho o gumawa ng mga gawain, tiyak na malalampasan natin ito. Kailangang mag-comply ka sa iyong routine at sanayin ang time management tips na ito. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page