Paalala sa mga benepisaryo ng SAP, ingatan ang matatanggap na ayuda
- BULGAR

- Aug 14, 2020
- 1 min read
@Editorial | August 14, 2020
Nagsimula na namang dumagsa ang mga benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga remittance center para makuha ang ayuda mula sa gobyerno.
Kasabay nito ang paalala sa publiko na mag-ingat mula sa mga manloloko. Iwasang mangyari na ang pera na ay maging bato pa.
Kabilang din sa ibinabala ay itong natuklasang mga pekeng social media page at group ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kung saan, nagpo-post ang mga ito ng mga peke o maling impormasyon tungkol sa SAP.
Target nilang makakuha ng mga personal na impormasyon mula sa biktima upang magamit naman ng online scammers sa pagnanakaw.
Kaya sa mga benepisaryo ng SAP, tiyaking lehitimong source ng impormasyon ang tinitingnan, alamin muna kung ito ba ay official website o social media page ng gobyerno na mayroong verification check marks.
Higit sa lahat, huwag na huwag ibigay ang M-PIN, One-Time PIN (OTP) o iba pang impormasyon sa mga taong nagpapanggap na bahagi ng financial service providers (FSPs) o ng kagawaran ng gobyerno.
Hindi lang ito para sa mga tumatanggap ng SAP kundi ito ay para rin sa lahat. ‘Pag ganitong gipitan ang sitwasyon, tiyak na may mga matutuksong kumapit sa patalip at ‘yun an gating iiwasan.
Hamon naman sa ating kinauukulan na hulihin at sampulan itong mga nasa likod ng panloloko sa gitna ng pandemya.



Comments