top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P20 kada kilong bigas inaabangan na

BULGAR
May 18, 2022
1 min read

@Editorial | May 18, 2022


Marami na ang nag-aabang na opisyal nang maupo bilang pangulo si Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.


Inaabangan din ang ipinangako nitong gagawing P20 ang kada kilo ng bigas.


Gayunman, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), bagama't posible, kailangan pa rin na masusing pag-aralan ang panukalang ito.


Sa kasalukuyan, ang local commercial rice price sa Metro Manila ay pumapalo mula P38 hanggang P50 kada kilo habang ang imported commercial price ng bigas ay mula P37 hanggang P52 kada kilo depende sa klase ng bigas. Mapapansing malayo sa inaabangang P20 at talagang dadaan muna sa pag-uusap at pag-aaral dahil tiyak na may papalag.


Samantala, isa naman sa puwede umanong gawin ay ang pagbabalik ng NFA rice sa pamilihan. Ito ay mas mura pero hindi nga lang mabibili ng lahat kundi ng mga pinakamahihirap lang na pamilya.


Sadyang hindi ganun kasimple ang pagbabago sa presyo ng mga bilihin. Kailangang pag-aralang mabuti para hindi naman malagay sa alanganin ang ibang usapin na may kaugnayan dito.


Kaya dapat talagang matatalino at may kakayahan ang mga gabinete ng susunod na administrasyon na haharap sa mga isyung ganito.


Tayo ay nasa gitna pa rin ng pandemya at krisis, walang masama kung maghinay-hinay sa mga desisyon para hindi lalong lumala ang sitwasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page