Search
  • BULGAR

P1K-P10K multa sa mga motorista na walang protective dividers

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 1, 2020



Magsisimula nang magmulta ang mga pulis sa mga motoristang may angkas ngunit walang protective dividers simula Agosto 1 ayon sa Joint Task Force (JTF) COVID Shield.


Saad ni Chief of JTF COVID Shield Lt. Gen. Guillermo Eleazar, “For more than three weeks, we were just warning and advising the violators to comply until July 31. As the grace period ends today, we expect that all motorcycle riders have already complied in order for them to avoid inconvenience as they go to work and ride back home.”


Ayon naman kay Major Gen. Emmanuel Licup, P1,000 hanggang P10,000 ang magiging multa depende sa bilang ng mga offenses o paglabag ng mga motoristang may backride ngunit walang protective barriers.


Samantala, pagmumultahin din ang mga motoristang walang suot na helmet at face masks ng halagang P1,000 hanggang P10,000. Isang libo naman ang multa sa mga magkaangkas na hindi nagli-live-in o mag-asawa. Tatlong libo naman ang multa sa mga motorcycle drivers na hindi kabilang sa Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.