top of page

P15M na-scam sa 20 babae sa dating app, kelot kulong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 25, 2024




Isang lalaking nangmodus at pinaibig ang mga babaeng nakilala niya sa dating app at hinihingian ng pera para sa investment ang nahuli sa entrapment operation.


Kinilala ang suspek na si Jeremiah Jaime Vergara na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ng anti-cybercrime division sa isang restaurant sa Mandaluyong City.


Natagpuan sa bag ng suspek ang mga bank passbook at 3 sachet ng hinihinalang cocaine.


Saad ng hepe ng NBI-anti cybercrime division na si Atty. Jeremy Lotoc, naghahanap ang suspek ng mga target niyang babae na edad 30 hanggang 40 sa dating app.


Pagtapos paibigin ay hihikayatin ang biktima ng negosyo at hihingian ng perang ipupuhunan.


Sinasabing inilalaro lang sa casino ni Vergara ang mga nakukuhang pera.


Ayon kay Lotoc, iniiwan nito ang kanyang mga biktima pagkatapos ng modus.


Umaabot sa 20 ang nabiktima ng suspek na nahingian niya ng halos P15-milyong pera.


Hindi naman nagbigay si Vergara ng komento sa mga alegasyong kanyang kinakaharap.


Mariin namang itinanggi ng suspek na kanya ang iligal na droga na natagpuan sa kanyang bag at haharap ito sa mga reklamo ng estafa at kasong kaugnay sa pag-iingat ng iligal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page