Opisyal ng NPA sumurender
@Balitang Probinsiya | December 27, 2022
QUEZON—Isang opisyal ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Lopez.
Ang sumukong opisyal ng NPA ay kinilala lang sa alyas na Arjay, logistic officer ng Platun Sur, Southern Tagalog Regional Party Committee ng NPA na nakabase sa lalawigan.
Napag-alamang isinuko rin ng opisyal ng NPA ang dala nilang armas, mga bala at subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa sumukong opisyal ng NPA, nahihirapan na umano siyang mamuhay sa bundok kaya sumuko siya sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong opisyal ng komunista.



Comments