top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Opisyal ng npa nasakote

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 27, 2023


SURIGAO DEL SUR—Isang opisyal ng New People's Army (NPA) ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Payasan, Lianga sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Bernelito Credo, nasa hustong gulang, platoon leader ng isang grupo ng mga komunistang nag-o-operate sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad sa kinaroroonan ni Credo kaya agad rumesponde ang tropa ng pamahalaan na naging dahilan kaya naaresto ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.


Isinasailalim pa ngayon si Credo sa taktikal na interogasyon ng mga awtoridad.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page