Opisyal ng munisipyo, natagpuang patay

@Balitang Probinsiya | December 2, 2020
CAGAYAN—Isang opisyal ng munisipyo ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Callao, Lasam.
Kinilala ang biktimang na si Benjamin Agatep, municipal administrator ng Lasam Municipal Hall.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng bala sa katawan sa naturang lugar.
Huli umanong nakitang buhay si Agatep sa nabanggit na barangay habang nagbibisikleta.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo sa naganap na krimen.



Comments